Wednesday, February 8, 2012

Di na nila kaya.. First Part

May mga oras na pati mga kagamitan sa bahay, mga hayop sa paligid at kung anu-ano pa, nagsasalita na rin. Di na rin nila ma-take :)) Eto ang kadalasan nilang sinasabi..

"Pinapaikot mo lang ako… Nagsasawa na ako. ..Mabuti pang patayin mo na lang ako"
- Electric Fan


"Hindi lahat ng walang salawal ay bastos!"
- Winnie d' Pooh


"Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!?"
- Gasolina


"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sayo, ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao ganun mo na lang ako itanggi.."
- Utot


"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sayo. Pero patuloy ang pag-iwas mo"
- Ipis


"Hala! sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
- Hipon


"Sige kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo! "
- Deodorant


"Hindi lahat ng dugo puwedeng idonate"
- Regla


"Hindi lahat ng pink, KIKAY!"
- Majinboo


"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
-TV

No comments:

Post a Comment