Probably kilala niyo si Vice Ganda? At ang kanyang mga pilosopong sagot. Eto ang ilan sa mga kanyang banat. Pwede rin to sa mga PILOSOPONG katulad niyo. ;)
*Sa Opisina*
Vice: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
Assistant: Uh, sir, saan ko ipapasok, dito ba sa loob?
Vice: Ay hinde sa labas.. Ipasok nga diba? Pwede bang ipasok sa labas? Sige nga subukang mong ipasok doon sa labas. :|
Kararating Lang sa Opisina
Assistant: Hi. good morning po sir nandito na po pala kayo..
Vice: Ay hinde wala pa, hologram ko lang 'to, hindi pa ako 'to ok?
Naospital yung pamangkin niya, kasi buntis (dinugo)...
Pumuntang emergency room
vice: Nurse tulong!
Nurse: Ano pong nangyayari? Manganganak?
vice: Ay hinde. ipapatira ko pa lang. Dinudugo na nga diba. syempre manganganak na.. Bilisan mo na
Nurse: Ano pong gusto niyo? Tawagin ko si dok?
Vice: Ay hinde ako na! Kaya ko na 'to! Doon na lang kayo, baka nakakaabala pa ako sa inyo eh!
*Namatay ang Tatay ni Vice ( kunyari )*
Vice: *Umiiyak sa harap ng kabao ng tatay*
*dumating si bestfriend, hinimas-himas yung likod ni Vice*
Bestfiend: Uy, okey ka lang?
Vice: Ikaw hayop ka, patayin ko tatay mo? okey ka lang?!?
Vice: ********* ka tatay ko nasa kabao, tapos tatanungin mo ko kung okey lang ako?
Vice: okey lang ako, ako pumatay eh.. Bigtime. Success. Patay na eh..
Ikaw, nasan tatay mo sunod na naten?! Para okey ka den.
Vice papuntang fastfood:
Vice: *umupo*
Waiter: Good Afternoon po sir! Kakain po kayo?
Vice: Hindi, magluluto ako, tutulungan ko chef nyo.. Kakahiya naman nakiupo ako dito tapos hindi pa ko tutulong.. Bilis na.. Gusto mo tulungan pa kita sa mga customers nyo.. Tapos aasenso business nyo.. Edi masaya, di ba? Umunlad na kayo, nagutom pa ko.. Ang galing no?
*nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil*
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw yun. Hay.. Wag na nga. TANGA! :|
*Vice nakaupo sa park.. Walang nakaupo sa ibang upuan*
Manong: Pwede po bang umupo dito?
Vice: Hindi, tinatalunan yan.. Nakikita mo di ba, ang daming nakaupo.. Mamaya tatalunan ko yan.. Tapos sabay nating gagawin.. Sama na rin natin yung mga dumadaan.. Para mukha tayong mga baliw lahat.. Bilis na, simulan mo na.. Maya-maya lang susunod ako..
*sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke*
Vice: Manong bayad po.
Manong Driver: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep. Nyeta.
*Bababa na sya*
Vice: Manong, para.
Manong Driver: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.
*Para ulit*
Vice: Para ho.
Manong Driver: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.
*Binaba nga siya sa gitna*
Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong na nakakita: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.
*sa gasoline station, pagbaba nya ng window*
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.
No comments:
Post a Comment